Ang kwentong ito ay halaw sa malufet na brod ni fareng andrew.
Helpful tips para sa mga lasing.
Sa lahat ng pagkakataong umuwi ng lasing o nakainum si Ernie.. Sangdamakmak na homily ang inaabot niya sa sa kanyang nanay.. Nung huli niyang pagkabasag.. May naisip na gawin si ernie..
Ernie : "Syet yari na naman ako kay nanay nito.. anu na naman kaya palusot ko.."
Pagpasok ni Ernie sa sala nila.. tumabi siya sa mga flower vase at nanahimik..
Agad napuna ng nanay niya si ernie.. At nilapitan ito..
Nanay : "At saan kana naman galing magaling kong anak??"
Nagpikit ng mata si Ernie at nagpirmi sa kanyang kinauupuhan.. habang binabanggit ang..
Ernie : "Flower Vase Ako.. Flower Vase Ako.. Flower Vase Ako.."
Ulit ulit na sinasabi ni ernie ang mga salitaang iyon.
Nanay : "Aba nasiraan na ata ng bait ang anak ko?"
Dahil dun napilitang umalis ang nanay ni ernie.,, eheh.. Hirap magkwento sa pagsusulat.. ako hindi natatawa eh.. pero ang punto dito ay may paraan para makalusot sa mga sermon sa buhay.. eheheh.. you just need to be creative..
Sa kaso ni Ernie, since maraming flower vase sa kanila.. naisip niyang maging flower vase..
Ikaw my fren, nasasayo yan. Depende sa lugar mo at sitwasyon.. kung madaming aso sa inyo.. pwede kang magpanggap na Aso. "Aso ako.. Aso ako".. Sabayan muna ng pag-bark.. para effective.. Kung madami pagkain sa inyo.. Magluto ka.. kunwari kanina kapa nasa bahay..
Gee, na mimiss ko magsulat.. ahahah.. apir! disapir! one-half! one-fourth!